Sabado, Oktubre 06, 2012

Just a random thought...

TALULOT

Sumama ang talulot sa ihip ng hangin
nagpaikot-ikot
sumabay ang buhangin

Nalaglag ang talulot sa tubigan
sandaling nagpahinga
dinal ng agos

Biyernes, Hulyo 27, 2012

Tanaga

TSINELAS
Nabutas ang tsinelas
Talampaka’y nagasgas
Pagtakbo n’ya’y nadulas
Tuluyan nang napigtas.